Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama na kanyang unang tinarakan ng kutsilyo sa loob ng kanilang bahay nitong Lunes, 5 Disyembre, sa Maresco Subd., Brgy. Palo Alto, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 12:20 pm nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang kinilalang si Rosalie Bress at kanyang kinakasamang si Macario Dañas dahil umano sa problema tungkol sa pera.

Bigla umanong kinuha ng suspek ang isang kitchen knife at sinaksak ang biktima saka nagsaksak sa kanyang sariling dibdib at tiyan.

Nakahingi ng tulong ang biktima at agad siyang dinala ng rescue team sa Global Medical Center Canlubang para malapatan ng atensiyong medikal.

Idineklarang dead-on-arrival ang suspek habang nasa kritikal na kondisyon ang biktima na nananatili sa naturang ospital. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …