Monday , December 23 2024
Xander Ford Kathryn Bernardo

Xander marunong mag-sorry at umamin ng pagkakamali

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Ogie Diaz kay Xander Ford, sinabi ng binata na gusto niyang mag-sorry nang personal at magpaliwanag kay Kathryn Bernardo dahil sa ginawa niyang panlalait sa aktres noon.

Inamin ni Xander bayad at para sa content lamang ang naging kontrobersiyal na komento niya laban kay Kathryn na talaga namang ikinagalit nang husto ng mga tagahanga ng aktres at ni Daniel Padilla.

Nabanggit ni Xander na humingi na siya ng paumanhin sa lahat ng supporters at followers ni Kathryn sa social media.

Aniya pa, labag talaga sa kanyang kalooban ang mga ipinost niya noon laban kay Kathryn at pinagsisisihan niya iyon. Sana raw ay magkaroon siya ng chance na ma-meet nang face-to-face ang dalaga.

Sabi pa ni Xander, kitang-kita naman ng publiko ang kagandahan ng dalaga at wala naman talaga siyang balak na siraan at laitin ang histura nito.

“Actually doon sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content, pang-content lang talaga, bayad ako,” pag-amin ni Xander.

“Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn ng personal, na makapaghingi ako ng sorry,” dugtong niya.

At least si Xander, marunong umamin ng pagkakamali, at magawang mag-sorry sa nagawa niyang panlalait noon kay Kathryn.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …