SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ROBINHOOD pala talaga si Robin Padilla, mapa-bahay o mapa-labas. Kuwento ni Mariel Rodriguez, ipinagmamalaki niya ang asawang si Robin dahil kahit napakarami nitong gawain bilang senador, hindi nito nakalilimutan ang obligasyon sa kanilang dalawang anak.
Ani Mariel, isinugod ni Robin ang anak nilang si Isabella sa ospital noong Monday dahil tatlong buwan nang pabalik-balik ang lagnat nito. At noong Lunes nga muling umulit ang lagnat.
“Si Robin, nagpa-panic na. (Sabi niya), ‘yung anak ko yata, tinamaan ang baga, humina na ‘yung baga.’ Nag-panic siya, kaya siya mismo ang nagdala ng anak namin sa doktor. Hawak-hawak niya at pina-x-ray niya.
“Of course, perfect ‘yung heart and ‘yung chest as I expected. Pero ibinigay ko na ‘yun sa kanya. Para mayroon siyang peace of mind. Para makapagtrabaho siya.”
Pagmamalaki ni Mariel kay Robin, “I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya ‘yung oras niya para sa mga anak namin, but at the same time, hindi niya naman nakalilimutan ‘yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya.
“At sabi ko nga sa kanya, for me, I found it so sexy. Oo, ‘yun talaga ang mga naganap, Mhie! Sabi ko talaga, ‘I think, very sexy ‘yung ginawa mong ‘yun, makes me love you more,’” pagbabahagi pa ni Mariel sa kanyang asawang.