Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina

Ara kakayod muna habang hindi pa buntis

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI pa rin nabubuntis si Ara Mina kahit isa’t kalahating taon na siyang kasal kay Dave Almarinez.

Kamakailan ay bumiyahe ang mag-asawa sa Budapest, Hungary at Vienna, Austria para magbakasyon at bumuo ng baby.

Sa eksklusibong panayam kay Ara ng PEP.PH, tinanong siya kung may nabuo na bang baby sa kanyang sinapupunan after nilang magbakasyon ni Dave sa ibang bansa, ang sagot niya, “Okay naman. Hindi pa kami nakabuo,but in God’s time.

“If ever, puwede pa rin naman next year kasi I’m doing another show, another TV series, so we’ll see.

“Kung makabubuo, eh, ‘di thank God.”

Hindi naman sila nagmamadali na magkaroon ng panganay.

“Hindi naman, hindi naman. Pero tingnan natin. I’m giving myself one year na mag-try.”

Sa ngayon, habang hindi pa buntis ay sasabak muna si Ara sa taping ng isang serye. 

Kung magtatrabaho siya, hindi siya makakapag-concentrate sa pagbubuntis. Pero ayon kay Ara, sayang naman kasi ang offer.

“Sayang kasi, eh. May nag-o-offer eh, I think it’s a blessing.

“Kapag may nag-o-offer, why not tanggapin kasi hindi naman magiging hindrance ‘yun kung mabuntis ako.

“I don’t think na magiging malaking problem ‘yun lalo na kung ang role ko is mom.”paliwanag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …