PERSONAL na bumisita si P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO sa isang biktima ng krimen nitong Lunes ng hapon, 21 Nobyembre, sa Laguna Provincial Hospital, sa lungsod ng Sta. Cruz.
Sa pamamagitan nito, naipadama ni P/Col. Silvio ang tunay at taos-pusong pagmamalasakit kasama ang Ladies Officer Club at si P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban MPS.
Personal nilang binisita ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa Laguna Provincial Hospital, sa nabanggit na lungsod, kasabay ng pag-abot ng tulong pinansiyal at dalawang sakong bigas.
Pahayag ni P/Col. Silvio, “Tinitiyak ko sa mga biktima at mga magulang na ang mga suspek ay nakakulong na at nasampahan na rin ng kaukulang kaso para sa hustisya ng mga biktima.” (BOY PALATINO)