Wednesday , December 25 2024
Indonesia

Pinoys ligtas sa 5.6 magnitude na lindol sa West Java, Indonesia

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Filipino sa 5.6 magnitude na lindol sa West Java, Indonesia.

Ayon ito sa ulat na natanggap ng ahensiya mula sa Philippine Embassy sa Indonesia.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza, nasa 460 Pinoy ang naninirahan sa West Java.

Tinatayang 6,700 ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa Indonesia.

Sa pinakahuling ulat ng Indonesian authorities, mahigit 160 katao ang namatay habang daan-daan ang sugatan dahil sa lindol sa West Java.

Nasa 2,000 bahay ang nasira ng lindol habang 13,000 katao ang nananatili sa evacuation centers. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …