INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aprub sa Regional Development Council (RDC-NCR) ang Regional Development Plan (RDP) 2017-2022 Midterm Update at Regional Development Investment Program (RDIP) 2020-2022 para sa National Capital Region (NCR).
Ang RDP-NCR ay medium-term plan na magsisilbing gabay sa pagpapaunlad ng Metro Manila para ito ay maging highly competitive metropolis, alinsunod sa overall strategic framework ng Philippine Development Plan 2017-2022.
Ayon sa MMDA ang Midterm Update ay naglalaman ng assessment ng mga nagawa sa unang tatlong taon ng pagpapatupad ng plano na gagamiting batayan para ma-update ang mga estratehiya hanggang matapos ang plano.
Samantala, ang Regional Development Investment Program (RDIP-NCR) ay naglalaman ng mga programa at proyekto ng mga inaasahang resulta at estratehiyang nakasaad sa RDP-NCR.
Ang pagbuo ng RDP at RDIP para sa Metro Manila ay bahagi ng A 2040, isang 25-year long-term vision plan para sa mas magandang Filipinas. (GINA GARCIA)