Monday , May 12 2025
green light Road traffic

Problema sa kaligtasan sa lansangan ng mga batang Pinoy dapat tugunan

DAPAT matugunan ng gobyerno ang problema sa kaligtasan sa lansangan ng mga batang Filipino.

Ginunita ng Department of Transportation (DOTr) ang National Day of Remembrance for Road Traffic Victims, Survivors, and their Families, bilang paalala sa mga responsibilidad sa kalsada sa pagpapanatiling ligtas sa mga lansangan para sa mga bata at sa mga gumagamit nito.

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, nilikha ang National Coalition for Child Traffic Injury Prevention na pinamumunuan ng (DOTr) concerned government agencies, NGOs, academe, private sector, at civil society groups para matiyak na matutugunan ng gobyerno ang problema sa kaligtasan sa kalsada at matiyak na ligtas sa panganib ang lahat ng mga batang Filipino.

Sinabi ni MMDA Chairman Romano Artes susuportahan ng ahensiya ang mga adbokasiya na magpoprotekta sa mga bata sa mga kalsada sa buong bansa.

Dagdag ni Artes, bahagi ng adbokasiya ng MMDA ay magbibigay aral at suporta sa mga bata para maging ligtas ang kanilang pagtawid sa kalsada.

Base sa inilabas na datos, 12,000 Pinoy ang namamatay sa mga road crash kada taon, 1,670 dito ay mga bata.

Ayon Kay Usec. Pastor, ang mga kabataang ito ay maaaring mga susunod na abogado, doktor, senador o posibleng susunod na Presidente, kaya’t obligasyon ng concerned government agencies at bawat isa na tiyakin ang kaligtasan ng komunidad hindi lamang sa mga bata kundi para sa lahat. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …