ASAHAN ang pagtaas ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG).
Ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, posibleng tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong LPG hanggang sa darating na Disyembre.
Ayon kay Abad, ito ay bunsod ng pagtaas ng demand sa LPG na ginagamit sa mga pampainit lalo sa mga bansa sa northern hemisphere na nagsisimula nang lumamig ang panahon.
“Maraming mga bansa po ito, from Europe papunta sa China, Japan, South Korea, Taiwan, nagre-ready na po sila sa November para sa preparation sa simula nitong November hanggang December hanggang March 2023 ng winter time. Our expectation, tutuloy ito hanggang December,” wika ni Abad. (GINA GARCIA)