Friday , November 15 2024
MMDA, NCR, Metro Manila

Pagbalik ng NCAP fake news – MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na fake news ang kumakalat na mensahe sa social media tungkol sa muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula Nobyembre 15.

Ayon sa MMDA ang operasyon ng NCAP ay sinuspende ng ahensiya nitong Agosto kasunod ng pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court.

Panawagan ng MMDA sa publiko, huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe ukol sa muling pagpapatupad ng NCAP.

Aniya, pinakamabuting gawin ay alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources.

Maaari rin tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA Facebook, Twitter, at Instagram para sa mga katanungan. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …