Wednesday , May 14 2025

27-anyos lalaking Chinese dinukot
CHINESE NAT’L, 3 PINOY SWAK SA KALABOSO 

110222 Hataw Frontpage

SWAK sa kulungan ang apat na lalaki kabilang ang isang Chinese national nang arestohin ng mga awtoridad dahil sa pagdukot sa isa pang Chinese national, nitong Lunes ng gabi sa lungsod ng  Parañaque.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Qiang Wang, 34 anyos, isang Chinese national; Norvin Yusuff, 42, personal assistant/driver; Joseph Barbas, 45, at Niño Felisan, 30.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) P/BGen. Kirby John Brion Kraft ang biktima na si Chen Peng, Chinese national, 27 anyos, ng Solemare Tower D, Barangay Tambo, Parañaque City.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ng SPD, naganap ang insidente 9:10 pm sa panulukan ng Bradco at Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City.

Nabatid, nagtungo ang kapatid na babae ng biktima na si Wang Ting sa himpilan ng pulisya upang

i-report na dinukot ito ng apat na lalaki sa nabanggit na lugar at isinakay sa isang metallic gray Toyota Hi-Ace, may plakang IAD 774.

Dahil dito, dali-daling nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Parañaque City Police at dito nailigtas ang biktima at nahuli naman ang apat na suspek.

Dinala ang apat na suspek sa Sub-Station-2  ng Parañaque City Police.

Nagpasalamat si P/BGen. Kraft sa kanyang mga tauhan dahil sa pagkakahuli sa apat na suspek. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …