Sunday , December 22 2024
Tera

Bagong singer na si Tera handa sa bigtime career

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BONGGANG-BONGGA ang paglulunsad kay songwriter- singer-dancer TERA noong Martes, Oktubre 25, 2022, ng Merlion Events Production Inc. at ng Tyronne Escalante Artist Management TEAM, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City. 

Inawit-sinayaw ni Tera (Earth sa Latin) kasaliw ng music video ang kanyang latest single, Higher Dosage.

Komposisyon ni Tera ang Higher Dosage na naisulat niya noon pang 2019. Isa itong alternative pop single na “dark” ang tema—alcohol, illegal substances/drugs, at kung paano hinaharap ng tao ang problemang ito.

Aminado si Tera na kakaiba ang musika niya sa kinasanayan ng pop fans, pero ito ang dahilan kung bakit kailangan ang kanyang musika/awit.

Aniya, “Marami nang love songs-finding it, losing it. Kaya ang inaalok ko ay real, deeper emotions, life events, at humanity. Kaiba ang debut single na ito sa kinasanayan ng tao, pero alam kong maski sino ay makarr-relate rito.”

Humanga kami sa ganda ng music video ng nasabing single ni Tera at nalaman naming grabe ang kanyang preparasyon. Kaya naman pala ay si Douglas Nierras ang nag-choreo kasama sina Chrisy Sawada at Froi Dabalus.

Bago ilunsad si Tera nag-undergo pa pala siya ng piano training sa Yupangco Music Academy., nag-Voice Masterclass kay Monet Silvestre at si Alfred Samonte ng The Madz Studio ang coach.

Bukod sa Higher Dosage ipinarinig din ni Tera ang dalawa pa niyang singles, ang Façade at Sa Dilim.

Special guest sa launching ni Tera si JM de Guzman na nag-duet sila. Pinuri ni JM si Tera at sinabing naka-relate siya sa mga komposisyon nito, mga awit na may “dark” tones.

Lumaki si Tera sa panonood ng live concert at CDs nina Michael Jackson at Beyoncé, na parehong  humubog sa kanya bilang performer. 

Mula pagkabata, nagpi-perform na ako sa mga tao, at never akong napagod ibahagi ang aking talento. 

“Umaasa akong ‘di-magtatagal, makare- relate rin ang tao sa aking mga likhang awitin at magugustuhan nila ang aking performances.”

Sinabi naman ni TEAM Manager Tyronne Escalante na, “Si Tera ang sumusulat ng sarili niyang songs… isa siyang natural-born performer. Aabangan namin na siya’y makilala ng madla at hangaan sa kanyang kakaibang music at dito, susuportahan namin siya all the way.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …