Friday , November 15 2024
marijuana

Marijuana inihalo sa upo’t kalabasa
PAMANGKIN NG PROV’L MAYOR KASABWAT, TIKLO SA BUY-BUST

NAHULIHAN ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos P1 milyong halaga ng marijuana ang dalawa katao, isa sa kanila ay nagpakilalang pamangkin umano ng isang mayor sa lalawigan, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat ng NCRPO, nakatanggap sila ng tip mula sa concerned citizens kaugnay sa ilegal na transaksiyon ng mga suspek na kinilalang sina Paul Garcia at Ivan Joe Nalog.

Agad naglunsad ng buy-bust operation ang mga elemento ng NCRPO- Regional Drug Enforcement Unit-RID sa Earnshaw St., at Lacson Ave., Sampaloc, Maynila.

Nagpositibo ang naturang operasyon nang tanggapin ng mga suspek ang marked money kapalit ng binibiling marijuana.

Agad hinuli ang dalawa at nakompiska ang siyam na upo at kalabasa kung saan nakalagay ang mga marijuana na nasa halagang P1 milyon.

Sinabing mula sa lalawigan ng Isabela ang dalawang suspek at may katransaksiyon kaya lumuwas ng Maynila.

Nang hulihin ang dalawa, isa sa mga suspek ang nagpakilalang pamangkin umano ng alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya ng NCRPO habang inihahanda ang kasong paglabag sa  RA 9165. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …