Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
nbp bilibid

Di-sinungaling, di-nasusuhulan  
K9 IDARAGDAG SA BILIBID 

ILALAGAY sa entry at exit point ng New Bilibid Prison (NBP) ang karagdagang K9 Dog, ayon kay Officer-In- Charge, Bureau of Correction (OIC-BuCor) Director General Gregorio Catapang.

Inihayag ito ni Catapang at sinabing uunahin niya  ang repormasyon at mahigpit na panuntunan sa loob at labas ng BuCor.

Sa isang press conference sa BuCor ng kauupong Director General, tumanggi siyang magbigay ng pahayag ukol sa pagkakasangkot ng isang inmate na sinabing ‘middleman’ sa pagpatay sa beteranong broadcast journalist na si Percival mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid.

Susuporta umano siya sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng Lapid murder case.

Binigyan diin ni General Catapang na magdaragdag siya ng k9 dog para ilagay sa entry at exit point ng NBP.

Ayon kay Catapang, hindi marunong magsinungaling ang aso at hindi rin umano nasusuhulan, at ito’y uupo at uupo kung may maamoy itong kontrabando partikular ang baril, bomba, at ilegal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng NBP.

Malaking hamon sa kanya na mailagay ng kanyang batchmate na si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa BuCor para tumulong sa bagong administrasyon para maresolba ang problema sa loob ng Bilibid.

Uunahin umano ng opisyal ang patas at pantay na pagtrato sa persons deprived of liberty (PDLs)  anooman ang katayuan at estado sa buhay upang pangalagaan at protektahan ang kanilang mga karapatan at interes.

Isusulong ni Catapang ang mataas na pamantayan ng mga serbisyo sa pagwawasto. Pagkamakatarungan sa pagtrato hindi lamang sa mga tauhan kundi pati sa mga PDL. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …