HARD TALK
ni Pilar Mateo
ISA siyang investor, venture capitalist, at seril entrepreneur.
Ganyan inilalarawan sa kanyang social media accounts si CJ Quianzon, ang owner at CEO ng Beer Factory Philippines sa Eton Centris (na nasa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Kyusi) na pinasinayaan kamakailan.
Bongga ang blessing ng bagong e-enjoyin hindi lang ng mga mahilig uminom kundi ng buong pamilya dahil na rin sa treats sa kanilang menu.
Flashy cars na mga Porsche na nakahanay sa harap ng venue ang sumalubong sa guests at mga bumisita (free for all ang invitation) sa nasabing event. At naroroon ang mga may-ari like CJ ng nasabing mga sasakyan.
Kasama ni CJ ang mga partner niya sa business at gaya niyang car enthusiasts at collectors.
Dahil sa sobrang kaabalahan ni CJ, tinatanaw at pinanonood namin ito at mga kasama sa mga galaw nila that night.
Enjoy ang mga tao sa inanyayahang performers gaya ni Kean Cipriano gayundin ng Mayonnaise, Flow G, Loki, Nobita, JRoa, DJ Alondra Cleofa at ang hosts na sina Valeen Montenegro at Diane Medina.
One of these days, makakausap na rin namin at maiuupo ang nasabing CEO! Pinag-e joy lng muna niya ang kanyang friends and guests.