Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez Anne Curtis Boy Abunda

Mariel nakonsensya nang i-prank sina Anne, Bianca, at Kuya Boy

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKIUSO na rin si Mariel Padilla sa prank calls. Pero after niyang gawin iyo  sa mga kaibigang sina Bianca Gonzales, Anne Curtis, at manager niyang si Boy Abunda, inamin niyang nakonsensiya siya at never na niyang gagawin pa. ‘Yun na raw talaga ang una at huli.

Sabi ni Mariel sa kanyang latest YouTube vlog, “Bumabaliktad ‘yung tiyan ko, feeling ko para siyang empty.

“Never again. This is the first time and last time that we are ever going to do a prank call.”

Noong simula ng video, excited pa si Mariel sa konsepto ng gagawin niyang video.

Sabi ni Mariel sa pagsisimula ng vlog, “Prank call, alam mo iyon, para makiuso. Kunwari Gen Z. Cool ang mommy na ito. Makiki-prank-prank ako.”

Pero ‘yun nga nakonsensiya siya sa ginawa niyang prank calls.

Ang unang tinawagan ni Mariel ay ang kaibigang si Bianca, na matagal niyang nakasama bilang host sa Pinoy Big Brother.

Ang senaryo, kinausap niya si Bianca para sabihin na nalaman niya ang tungkol sa kunwari’y pamba-backstab nito sa kanya, na sabi naman ni Mariel ay hindi totoong ginawa sa kanya ni Bianca.

Nang sagutin ni Bianca ang tawag, sinabi ni Mariel na nabalitaan nito na tinawag siyang “super arte” at “lumaki ang ulo” ni Bianca.

Sinundot pa ito ni Mariel na may sinabi raw na hindi maganda si Bianca tungkol kay Robin Padilla, asawa ni Mariel.

Maririnig na nagulat si Bianca, subalit kalmado itong nagpaliwanag kay Mariel at itinanggi ang akusasyon dahil hindi nito kayang gawin ang ibinibintang sa kanya.

That’s so bizarre,” sabi ni Bianca.

At saka umamin si Mariel na prank call ang ang ginawa kay Bianca.

Dinig sa boses ni Bianca ang pagkagulat nito at sinabing hindi niya inasahan ang prank call sa kanya ni Mariel.

Sumunod na tinawagan ni, na matagal ding nakasama ni Mariel sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ang senaryo naman, nagkaroon ng malaking pag-aaway sina Mariel at Robin at hiniling ni Mariel kung puwede siyang tumuloy pansamantala kay Anne.

Pumayag naman si Anne na patuluyin pansamanatala sa kanila si Mariel. Na sobrang ikinatuwa nito. Pero inamin ni Mariel ang pagpapanggap at sinabing prank call lang ang ginawa kay Anne.

Maririnig na tumili si Anne at inamin niyang lubos siyang kinabahan sa tawag ni Mariel.

Noong tinawagan naman niya ang manager na si Kuya Boy, sinabi niya na kailangan niya ng PHP5-M dahil sa karneng binili na kasing-dami ng isang container van.

Sabi ni Boy, na naistorbo sa isang Zoom meeting, tawagan siya muli ni Mariel dahil may maaari siyang kausapin para solusyunan ang problema ng alaga.

Hindi na rin pinatagal ni Mariel ang prank at umamin kay kuya Boy.

Sinabi naman ng TV host-talent manager na handa niyang tulungan si Mariel kung naging totoo man ang senaryo.

Nakonsensiya man si Mariel sa prank calls na ginawa niya sa tatlo, sa kabilang banda, na-flatter din siya sa reaksiyon nina Bianca, Anne, at kuya Boy. 

Sabi ni Mariel, “It’s really important to have friends who are true to you.

“No matter what the situation, whatever the situation be, alam mo that you have friends you can run to.

“I chose those people, specifically, because I know that they are the friends that I can truly count on no matter what the situation is.

“I knew na we have a very good relationship.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …