Sunday , December 22 2024

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

100422 Hataw Frontpage

ni MANNY ALCALA

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo ng armadong riding-in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Lunes ng gabi, 3 Oktubre, sa lungsod ng Las Piñas.

Kinilala ang biktimang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, komentarista sa kanyang programang “Lapid Fire” sa estasyon ng radyong DWBL, at may libo-libong followers sa YouTube at Facebook.

Sa ulat na isinumite ni P/Col. Jaime Santos, hepe ng Las Piñas police, kay Southern Police District Director P/Col. Kirby John Kraft, sinabing dead on the spot si Mabasa, residente ng San Beda Homes, sa naturang lungsod, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pananambang dakong 8:30 pm sa Aria St., Brgy. Talon Dos.

Ayon sa salaysay ng ilang mga saksi, minamaneho ni Mabasa ang kanyang kulay itim na Toyota Innova, may plakang NGS 8294 ngunit pagsapit malapit sa gate ng BF Homes Resort Village sa Sta. Cecilia, binangga ang likuran nito ng isang puting Toyota Fortuner saka agad pinagbabaril ng isa sa mga lulan sa motorsiklo.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi malamang direksiyon matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ang limang basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Inaalam din ng mga imbestigador kung may CCTV camera na nakakabit sa lugar na makatutulong sa kanilang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa manugang ni Mabasa,  mag-o-online broadcast ang kanyang biyenan sa kanilang bahay ngunit bago pa man makarating sa gate ng kanilang village ay pinagbabaril ang biktima na kanyang ikinamatay.

Paniwala ng kanyang pamilya, may kinalaman sa kanyang trabaho bilang mediaman ang pamamaslang

Sa beteranong mamamahayag.

Samantala, blanko pa rin ang mga imbestigador sa motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Huling napakinggan at napanood si Mabasa sa online broadcasting ng kanyang programang Lapid Fire sa DWBL noong Biyernes, 30 Setyembre.

Bilang isang mamamahayag, nakilala ng masa si Mabasa dahil sa kanyang matapang na pagbubulgar sa mga iregularidad at korupsiyon, at pagbatikos sa mga tiwaling politiko at opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Isa si Mabasa sa kritiko ng Duterte at Marcos administrations.

Dating miyembro at naging opisyal si Mabasa ng National Press Club (NPC) at kapatid niyang si Roy Mabasa na isa rin mamamahayag at dating pangulo ng nabanggit na organisasyon.

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …