Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Lina Alano, 48 years old, naninirahan sa Pasay City.
Dati po akong manggagawa sa isang electronic company pero noong magsara nagtinda-tinda ako sa palengke, pero hindi nagtagal naubos din ang maliit na puhunan — lalo sa kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.
Nitong lumuwag ang panahon, nagkaroon po ako ng sideline, naging ‘striker’ o errand girl po ako ng mga ‘escort ladies.’
‘Yan po ang tawag sa mga babaeng nagtatrabaho sa club. Kapag may kailangan po silang bilhin, ako ang pinabibili nila. Mas madalas PA nila ako as in alalay at tagabantay ng mga gamit nila sa locker room.
Dahil gabi ang trabaho nila ganoon na rin ang nangyari sa akin. Pero hindi po naging maganda ang epekto sa kalusugan ko. Madalas na tumataas nag blood pressure ko, at may mga panahon na mababa naman — kaya madalas nahihilo ako. Bukod diyan, may ubo akong hindi nawawala at nilalagnat sa gabi.
Noong magpa-laboratory test ako, hayun, bawal na ako magpuyat at ang daming resetang gamot.
Isang kaibigan ang nagsabi sa akin na subukan kong gumamit ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs. Kasi nga raw po, hindi naman lahat ng masamang pakiramdam ay kailangang uminom agad ng gamot.
Sinubukan ko nga po. Tuwing bago matulog ay nagpapahaplas ako ng Krystall Herbal Oil. Tuwing pagkatapos kong kumain ay umiinom ako ng Krystall Nature Herbs, at sinubukan ko rin mag-CPC (Carrot, Patatas, at Camote).
Sa loob ng isang buwan nakita ko po ang kakaibang sigla at kulay ng aking mukha. Naramdaman ko rin na hindi na ako madalas mahilo, at maayos na rin ang pagtulog ko.
Lahat po ‘yan ay natutuhan ko sa pagbabasa ng kolum ninyo at pakikinig sa programa ninyo. Mula nang sinabi sa akin ng kaibigan ko ang tungkol sa inyong ‘miracle oil’ at back-to-basics na panggagamot naging masugid na ninyo akong tagasubaybay.
Muli, maraming, maraming salamat po.
LINA ALANO
Pasay City