Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang matanong kung balak pa ba niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Humarap kahapon ng tanghali sa entertainment press si Sen Bong para sa kanyang Alyas Pogi Birthday Giveaway na gagawin sa Setyembre 25, 2022, Linggo, 6:00 p.m.. na mapapanood sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph.. 

Paglilinaw ni Sen. Bong wala na siyang kabalak-balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon. 

Sinabi pa ng senador na nagsasalita na siya  nang patapos, “I’m saying it, sa kanila na po, ako’y tutulong na lamang.”

Nauwi sa ganitong desisyon ang senador dahil nang magsalita siya na tatakbo siya sa mataas na posisyon ay nagsimula na ang mga akusasyon sa kanya hanggang sa makulong siya.

Simula nang lumabas ‘yun, eh, na tatakbo ako for a higher position, doon nila ako dinurog, eh. Ganyan kadumi ang politika sa atin, eh. Kaya ako napunta ng Crame dahil sa ganyan, eh,” sambit pa nito.

Idinagdag pa ni Sen Bong na kontento na siya sa pagiging Senador.

Happy ako sa pagiging Senador. Senador ka, nakatutulong ka sa kapwa mo, nakakapag-perform ka. Kumbaga, as a Senator of the Republic, nakagagawa ka ng batas para makatulong ka sa kapwa mo,” aniya pa.

At ang pagtulong ng senador ay tuloy-tuloy pa rin tulad nitong kaarawan niya na mamimigay siya ng sandamakmak na regalo sa kanyang mga tagasubaybay.

Sa kanyang ika-56 kaarawan, bilang pasasalamat na rin sa mga biyayang natatatanggap, magkakaroon nga si Sen. Bong ng ‘ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY’ sa Linggo, Setyembre 25, 2022, 6:00 p.m.

Makakasama niya rito ang asawang si Lani Mercado-Revilla at ilan sa pamilya, na magdaragdag-saya sa programa. 

Sa pagtutulungan ng mga sponsor, malalapit na kaibigan, ilang negosyante at iba pa, magbibigay sila ng dalawang brand new car na highlight ng programa. 

Mayroon ding 10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 sa mga mapipili at hindi bibitiw sa panonood. Limandaang (500) katao ang mananalo ng tig-P1k. Taon-taong ginagawa ni Sen. Bong ang pamamahagi ng cash at gadgets. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …