SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HANDANG-HANDA na ang mga member ng freshest K-Pop group na Lapillus para mag-
Hit Ya sa ‘Pinas!
Ang pinakabagong six-member K-Pop girl group na Lapillus ay magkakaroon na ng
chance na makita ang kanilang mga Filipino supporter. Punompuno ng activities ang susunod na dalawang linggong pagbisita ng all female K pop idols para sa Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour.
Mula sa kanilang debut ng digital single na Hit Ya! nitong June, naging mainit na
online world sa suporta ng 4th Gen group mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kinabibilangan ng kanilang leader na si Shana, main dancer na si Yue, main vocalist Bessie, main rapper Seowon, Maknae (bunso sa grupo) Haeun, and of course, ang Filipino pride at visual (pinakamaganda sa grupo) na si Chanty na dating ABS-CBN talent.
Simula nang i-announce ang kanilang pagdating dito sa Manila ay nasabik sila na
ibahagi, hindi lamang ang kanilang musika, kundi maging ang kanilang paglalakbay sa pagiging isang K-pop idol. Trending topics din ang #MabuhayLapillus at
#LapillusinManila.
Ang all-female group sa ilalim ng Korean entertainment agency na MLD Entertainment, na nagdala sa Momoland sa spotlight, ay nagpapakita ng kanilang sariling brand ng musika sa pamamagitan ng ilang lokal na events at activities. Bukod sa exclusive multi-platform interviews, abangan ang Lapillus sa kanilang
exclusive photoshoots, TV at online appearances bukod sa kanilang packed na
schedule at ilang creative vlog collaborations, live performances, at immersions.
Dalawang malaking fan meets ang gagawin nila sa September 10 sa Market! Market at
September 11 sa Ayala Fairview Terraces, na magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang kanilang mga masugid na Pinoy fans.
Kasunod ng kanilang debut single na Hit Ya!na ngayon ay nakakuha na ng 10 milyong views sa YouTube, ang sextet ay muling magbabalik sa September 22 para ilabas ang kanilang bagong single na GRATATA na inilalarawan bilang isang “Mumbaton rhythm song with an addictive hook.”
“We are very grateful and excited to share our music and who we are as performers to our Filipino fans, who have been especially supporting us ever since our debut,” ani Shana.
Si Chanty naman ay masaya na nakauwi at nabigyan ng pagkakataon ang kanyang
mga kasama sa Lapillus na maranasan ang kakaibang init at pagmamahal ng mga
Filipino.
“This is the first time that I’m coming home since our debut and I’m just thrilled to be
back. Because this time, I know I can give more to my supporters, and hopefully I can
inspire some of them to continue chasing their dreams, just like what I did,” ‘ika ni Chanty.