Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

CALABARZON most wanted tiklo sa Laguna

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted sa Regional Level sa ikinasang joint manhunt operation nitong Lunes, 5 Setyembre, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Baltazar De Leon, 59 anyos, construction worker, at residente sa Brgy. San Benito, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat mula sa Victoria MPS, inaresto ang akusado sa ikinasang joint manhunt operation ng Victoria MPS at Laguna HPG dakong 9:45 pm kamakawala sa Brgy. Nanhaya, sa naturang bayan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mary Jean Tibo Cajandab, Sta. Cruz, Laguna RTC Branch 26 noong 8 Setyembre 2021.

Kakaharapin ni De Leon ang mga kasong Rape (RPC Art. 266-A); Acts of Lasciviousness (RPC Art. 336); paglabag sa Special Protection Of Children Against Child  Abuse, Exploitation And Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) (Lascivious Conduct Under Sec. 5(B) ng RA 7610) na may nirerekomendang piyansang aabot sa P36,000 para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Victoria MPS ang suspek habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado ito.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Isang pagmamalaki sa pulisya ng Laguna sa walang sawa na pagganap sa kanilang mga sinumpuang tungkulin.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …