Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Debbie Garcia Rose Van Ginkel Ava Mendez Angela Morena Jela Cuenca

Wilbert Ross pinagsabay ang limang GF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMEDY na may halong kakulitan, drama, excitement, at sexiness, ang bagong handog ng Viva Films na tiyak mag-eenjoy ang mga manonood, ito ang 5-IN-1, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong September 23, 2022.

Isang sexy-comedy Vivamax Original Movie, ang 5-in-1 na ang kuwento ay ukol isang binata na mayroong hindi lang isa, dalawa, o tatlo, kundi limang babae sa buhay niya. 

Gwapo,certified chick magnet, at successful businessman at CEO ng sikat na coffee brand na 5-in-1 coffee, na kay John “Dick” Jordi (Wilbert Ross) na ang lahat, at kaya niyang makuha ang kahit ano, pati na ang pagkakaroon ng limang girlfriend – sina Mia (Debbie Garcia), Lexie (Rose Van Ginkel), Maria (Ava Mendez), Riley Red (Angela Morena), at Lana Rose (Jela Cuenca). 

Pero sa likod ng inaakalang “perfect life” ni Dick, magiging mapaglaro ang tadhana dahil maaga itong babawian ng buhay dahil sa sakit na pinili niyang isikreto. Ang bigla niyang pagkawala ay magdadala ng gulat at lungkot, hindi lang sa mga naiwan niyang girlfriend, kundi pati na rin sa kapatid niyang madre, si Sister Teresa (Giselle Sanchez). 

Dahil sa biglang pagpanaw ni Dick, hindi alam kung sino ang bagong magma-manage sa naiwang coffee business nito. Magiging sakit din ito sa ulo ni Sister Teresa dahil hindi niya alam kung sino sa limang girlfriend ni Dick ang pinakaminahal niya at karapat-dapat na maging bagong CEO ng 5-in-1 coffee. 

Rito maiisip ni Sister Teresa ang idea na hayaang magbigay ng eulogy ang mga girlfriend ng kanyang kapatid, at mula sa mga kuwento nila ay matutukoy niya kung sino ang “The One” at magiging bagong may-ari ng 5-in-1 coffee. Sa pag-alala nila sa naging buhay nila kasama ang binata, ibabahagi nila ang masasaya at makulay na kuwento ng kanilang relasyon, pati na ang mga sexual experiences na ipinaranas ni Dick. 

Sino nga kaya sa lima ang deserving na maging “the one”? Isa nga ba sa kanila? 

O baka naman lahat sila? 

Ang 5-in-1 ay mula sa direksiyon ng Star Awards for Movies at Gawad Urian nominee, ang multi-genre direktor na si GB Sampedro. Naging direktor din si Sampedro ng ilan pang Vivamax Originals, kasama na rito ang pinaka-recent niyang pelikula na Purificacion, at ang TV mini-series na High On Sex

Isang lighthearted movie na ituturo ang totoong ibig sabihin ng yaman at pag-ibig.  I-ready ang sarili sa rollercoaster ride of emotions na nasa iisang pelikula, panoorin ang 5-in-1, streaming exclusively sa Vivamax simula  September 23, 2022.  

Kasama rin sa pelikula sina Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …