Friday , November 15 2024
San Jose del Monte CSJDM Police

Sa San Jose del Monte, Bulacan
NAWAWALANG ESTUDYANTE PATULOY NA PINAGHAHANAP

PATULOY na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 16-anyos estudyanteng babae sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan matapos iulat na nawawala simula pa noong 11 Agosto 2022.

Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang nawawalang estudyante na si Carl Antonette Sanchez, 16 anyos, Grade 9 student, tubong Bacoor, Cavite at kasalukuyang naninirahan sa Block 23 Lot 18 Phase F Francisco Homes Subd., Brgy. Narra, sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat mula kay P/Lt. Cresenciano Cordero, Jr., officer in-charge ng San Jose del Monte CPS, dakong 11:00 pm noong 11 Agosto nang umalis si Carl Antonette Sanchez nang walang paalam matapos mapagalitan ng ina. 

Ipinagbigay-alam ito ng ng ina ng estudyante na si Carmela Ilagan sa mga barangay officials ng Brgy. Narra kinabukasan, 12 Agosto, at kalaunan sa estasyon ng pulisya.

Bumalik ang mga magulang ni Carl Antonette sa naturang himpilan ng pulisya nitong 25 Agosto matapos bigong mahanap ang kanilang anak sa mga kaibigan at kamag-anak.

Dito tuluyang kumilos sina P/Lt. Col. Cordero, mga imbestigador ng WCPD at P/Lt. Col. Jesus Manalo, hepe ng Provincial Intelligence Branch, upang magsagawa ng mga follow-up investigation sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kamag-anak, kaibigan, at sa mga lugar na maaaring pinuntahan ni Carl Antonette.

Hanggang sa tanggapan ng Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame ay humingi ng tulong ang mga nabanggit na opisyal ng PNP upang mabuksan at ma-examine ang Facebook at Messenger account ni Carl Antonette para sa posibleng retrieval ng ano mang mensahe na magbibigay linaw sa kanyang kinaroroonan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pulisya ng Bulacan sa paghahanap sa nawawalang estudyante kasunod ang paalala sa lahat lalo sa mga kababaihan na pag-ibayuhin ang pag-iingat. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …