SA MAHIGPIT na pagpapatupad ng “Ligtas na Balik-Eskwela 2022” na isinagawa ng PRO3 PNP, walang insidente ng krimen na biktima ang mga estudyante sa unang araw ng face-to-face classes nitong Lunes, 22 Agosto, sa mga lalawigan na sakop ng rehiyon.
Ayon kay PRO3 PNP acting Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, iniugnay ang “zero-crime incident” sa masigasig na pagsisikap ng kanilang mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante higit sa bisinidad ng mga paaralan.
Sinabi ni Pasiwen, sila ay nagtalaga ng mahigit 2,000 tauhan sa pagbubukas ng klase na kanyang pinupuri sa kanilang maigting na pagtupad sa tungkulin. Dagdag ng opisyal, nakatalaga ang kanilang Police Assistance Desk at Motorists Assistance Centers sa mga estratehikong lugar upang tiyakin ang maximum police presence. (MICKA BAUTISTA)