Tuesday , February 25 2025
Malolos Bulacan PNP police

Sa magdamag na operasyon ng Malolos CPS
5 TULAK BULILYASO SA DRUG BUST

HINDI nagawang ilusot ng limang pinaniniwalaang mga tulak ang ipupuslit sanang shabu nang maaresto ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 22 Agosto.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng Malolos CPS, kinilala ang limang suspek na sina Reynaldo Taborao, Gerald Trapane, Rodimar Senipe, pawang mga residente ng Bagong Silang, Caloocan; Ivan Martin at Christian Ryan Recto, kapwa mga residente ng Brgy. Caingin, Malolos.

Magdamag na trinabaho ng mga tauhan ng Malolos CPS ang galaw ng mga suspek na sinasamantala ang pagbuhos ng ulan upang magkalat ng shabu sa lungsod ngunit hindi nakalusot sa mga nakaalertong pulis.

Nabatid, mga dayong tulak ang tatlong suspek na galing sa Bagong Silang, Caloocan at posibleng saluhin ang mga dalang hinihinalang shabu ng dalawang tulak na taga-Malolos na silang magkakalat sa lalawigan. 

Nahaharap ngayon ang mga arestadong suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5, 11 at 25 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Ayon kay Germino, ang pulisya ng Malolos CPS ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga at mapanatili ang kaayusan ng lungsod. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

cal 38 revolver gun

Pasaway sa gunban tiklo sa buybust

INARESTO ng mga awtoridad ang isang indibidual sa isinagawang gun buybust operation sa Brgy. Lambakin, …

Arrest Shabu

2 HVI , 4 pa timbog sa Bulacan at Nueva Ecija droga, armas nakumpiska

MATAGUMPAY na nasamsam ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang malaking halaga ng hinihinalang ilegal …

NO SHADES vs POLITICAL DYNASTIES (Balota protektahan)

Boto at balota protektahan
‘NO SHADES’ vs POLITICAL DYNASTIES

ni TEDDY BRUL ‘NO SHADES’ sa balota ang panawagan ng militanteng organisasyong Socialista o katumbas …

JV Bautista Ariel Querubin Mison

Party-list system ‘corrupted’ na — JV Bautista

ni NIÑO ACLAN DESMAYADO si United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General JV Bautista dahil taliwas …

Ara Mina Dave Almarinez Turismo Partylist

Ara Mina at Turismo Partylist nominees mainit na tinanggap sa Davao Oriental

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BUMISITA sa Davao Oriental ang tinaguriang “Turismo Beauty” at ambassador …