Monday , December 23 2024
Arrest Posas Handcuff

Top 6 MWP ng Central Luzon nalambat

NAARESTO ng mga awtoridad ang top 6 regional most wanted person ng Central Luzon sa inilatag na manhunt operation sa Purok 4, Jesus St., Brgy. Pulungbulu, Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni Region 3 top cop BGen. Cesar Pasiwen, ang arestadong si Seferino Quiambao Jr., 26 anyos, residente sa Purok 7 Palat, Porac, Pampanga.

Si Quiambao ay inaresto ng magkasanib na mga elemento ng CIT-Angeles RIU3 (lead unit) na pinamumunuan ni Major Cherry P. Tirasol, RIDMB3, PHPT Angeles, TSD/IG, CIDG/CFU Angeles, CIU/ACPO at CIDMU/ACPO sa ilalim ng superbisyon ni Major Agnes B. Nolasco, na nagsilbi ng warrant of arrest sa akusado para sa dalawang bilang ng kasong Rape, walang itinakdang piyansa.

Ayon kay B/Gen. Pasiwen, ang buong puwersa ng Central Luzon Police katuwang ang iba pang police units ay magpapatuloy sa pinaigting na kampanya upang mailagay ang masasamang elemento at mga pinaghahanap ng batas sa likod ng rehas na bakal upang panagutan ang mga ginawang krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …