Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan BOY DAKMA Boobs

Target Bulakenyang boobsy
‘BOY DAKMA’ NG BULACAN TINUTUGIS P.1-MILYON PATONG SA ULO

NAALARMA ang kababaihan sa Bulacan matapos mapaulat na may lalaking umiikot habang sakay ng motorsiklo at tinatarget ang mga babaeng naglalakad sa lansangan para dakmain ang malulusog na dibdib at saka haharurot para tumakas.

Huling naging biktima ng suspek ang isang 16-anyos dalagita sa San Rafael, Bulacan, na biglang dinakma ang dibdib habang naglalakad mag-isa sa kahabaan ng NIA Road mula Brgy. Ulingao papuntang  Sitio Bacood, Brgy. Tambubong, dakong 8:33 am kamakalawa.

Inilarawan ng biktima ang suspek na naka-black jacket, lulan ng isang kulay orange na motorsiklong Honda Click ngunit hindi niya naplakahan.

Ayon sa biktima, biglang lumapit sa kanya ang lalaki kasunod ng pagdakma sa kanyang dibdib saka siya hinila ngunit mabilis siyang nakalayo sabay takas ng suspek.

Ang pangyayari ay nakunan sa CCTV kaya nakita ang suspek na lulan ng motorsiklo na gumawi sa Brgy. Sampaloc, pumasok sa service road patungong Grace Village at lumabas sa provincial road ng San Rafael.

Dahil sa huling pangyayari, si San Rafael Mayor Cholo I. Violago ay handang magkaloob ng pabuyang P100,000 sa makapagbibigay ng impormasyon  sa pagkakakilanlan o lokasyon ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …