BINUHAY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kauna-unahang brush park o kublihan ng mga isda (fish sanctuary) sa Bulacan.
Ang fish sanctuary na may sukat na 1,000 square meter ay sinimulan sa Angat River system sa bahagi ng Calumpit, Bulacan.
Ayon kay Wilfredo Cruz, BFAR Central Luzon director, ang proyekto ay nasa ilalim ng “Balik Sigla sa Ilog at Lawa Program” at ang mga katutubong uri ng isda tulad ng ayungin, ulang, martiniko, at dalag ay inimbak sa sanktuwaryo at ang ordinansa ay ipatutupad upang ito’y mapangalagaan.
Ang paglalatag ng kauna-unahang sanktuwaryo ay ginawang posible sa pakikipagtulungan ng provincial government ng Bulacan, municipal government ng Calumpit, Boys Scout of the Philippines, Knights of Columbus Luzon North Jurisdiction at ng fisherlolk ng Calumpit, ani Cruz. (MICKA BAUTISTA)