Sunday , December 22 2024
Dr Michael Aragon

KSMBPI target makapagsanay ng maraming broadkaster/reporter

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA ang adhikain ng founding chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI) na si Dr. Michael Aragon, ang 

i-merge ang traditional reporters, practitioners of traditional media sa TV at radyo at saka isasama sa mga blogger.

Sa KSMBPI hindi lang ang mga broadcaster ang kasapi kungdi maging ang mga social media personalities din.

Ayon kay Dr. Michael,  “Aside from the merging or converging platforms ng communication, gusto rin naming i-merge ‘yung traditional reporters, practitioners of traditional media sa TV at radyo, at saka isama sila roon sa mga blogger. Mga TikTokers, ‘yung mga streamer basically. Ang tawag namin sa kanila ay mga community broadcasters.

We would like to encourage them by training them the basic skills of how to report news since what they’re doing basically sa blogs nila is really communicating,” paliwanag pa ni Dr. Aragon na isa ring filmmaker.

Sinabi pa ni Araton na target nilang magkaroon ng 1-2 million members all over the Philippines na ite-train nila nang libre.

We would like to train aspiring community bloggers, broadcasters na walang formal university sa mas communication for free. After that, we will give them diploma and certifications,” sambit pa ng doktor.

Binigyan linaw din ni Dr. Aragon na ang KSMBPI ay isang non-profit organization. Itinatag nila ito noong 2017 at unti-unti nang lumalaki ngayon dahil dumadami na ang members nila at may mga nagawa na rin silang projects.

Ang KSMBPI ay nahahati sa dalawang division – Broadcast/Print and Film. Nakagawa na ang organisasyon nila ng isang independent film, ang Umbra na naipalabas na internationally at nanalo na ng awards.

Pagmamalaki ni Dr Aragon, “Napaka-suwerte namin because last month, one of the films ng KSMBPI na ipinrodyus, naging participant sa international filmfests and we won.

Nanalo ang Umbra ng Best Director award (Jeremy Palma) sa dalawang international filmfests sa India, ang Venus International Film Festival 2022 at sa Roshani International Film Festival 2022.

Para sa mga nais maging miyembro or malaman ang iba pang detalye sa KSMBPI, maari kayong magpunta sa website na www.socmedbroadcasters.org.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …