Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas

Kahit tumodo na sa Scorpio Nights 3 
CHRISTINE  BERMAS MARAMI PANG PASABOG AT IPAKIKITA SA LAMPAS LANGIT

TINIYAK ni Christine Bermas na may maipakikita pa siyang bago sa Lampas Langit kahit tumodo na siya ng paghuhubad sa Scorpio Nights 3. 

Ang Lampas Langit ang bago niyang pelikula na mapapanood sa Vivamax simula ngayong araw, August 19 na idinirehe ng dating miyembro ng Smokey Mountain na si Jeffrey Hidalgo.

Paniniyak ni Christine sa isinagawang media conference noong hapon ng Miyerkoles sa Wingzone, Araneta, may mga bago pa rin siyang pasabog sa erotic-thriller na Lampas Langit.

Both of them are very sexy (Lampas Langit at Scorpio Nights 3) but mas may kakaibang drama ang ‘Lampas Langit’ kasi it’s also a thriller.

“The story revolves on two couples. Una, kami ni Sir Ricky Davao. Then sina Baron Geisler and Chloe Jenna, who play husband and wife.

“They think that I am the daughter of Sir Ricky and Baron is attracted to me. We have an affair and later on, maraming secrets ang mari-reveal hanggang sa dumating sa explosive ending,” anang dalaga.

Sinabi pa ni Christine na mas challenging ang role niya sa Lampas Langit bilang si Belle kompara kay Pinay sa Scorpio Nights 3.

Ang story po kasi ng ‘Lampas Langit’ is about manipulation and it will be revealed later on na ‘yung character ko, na akala ng mga tao’y tatahi-tahimik lang, is a scheming manipulator with her own designs on the other characters. It’s more of an acting piece,” na kahit kami’y nagandahan kahit ang pinagbasehan pa lang namin ay ang teaser ng pelikula gayundin dahil sa ang sumulat nito ay ang award-winning screenwriter na si Racquel Villavicencio.

Kasama rin ni Christine sa pelikulang ito sina Chloe Jenna, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo na pasabog din ang ginawang paghuhubad. Kasama rin ang mga beterano at award-winning na mga aktor na sina Baron Geislerat Ricky Davao

Samantala, sinabi naman ni Jeffrey na itong Lampas Langit ang boldest at most daring film na ginawa niya after Silong at Eva.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …