Friday , November 15 2024
Aso Dog Meat

Tirador ng aso, nasakote ng CIDG

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa illegal dog meat trade sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 16 Agosto.

Kinilala ang naarestong suspek na si Hernando Polintan alyas Bitoy, 54 anyos, isang barangay utility worker at residente ng Nia Road, Libo St., Brgy. San Nicolas,  sa nabanggit na bayan.

Naaresto si Polintan sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit (CIDG PFU) matapos maaktuhang nagkakatay ng mga aso para ibenta.

Nang madakip, inamin ng suspek na siya ay nagkakatay at nagbebenta ng karne ng aso sa halagang P300 hanggang P350 bawat kilo.

Nakuha mula sa kanyang bakuran ang 12 pang mga asong nakalagay sa sako at handa na sanang patayin at katayin para ibenta.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan si Polintan na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No.8485 o Animal Welfare Act of 2017.

Samantala, ililipat ang 12 nasagip na aso sa pangangalaga ng Animal Kingdom Foundation Rescue Center sa Capas, Tarlac kung saan sila ay isasailalim sa treatment at rehabilitation. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …