Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl Wilbert Tolentino

Hipon todo-suporta si Wilbert

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPAKASUWERTE naman ni Herlene ‘Hipon’ Budol sa pagkakaroon niya ng manager sa katauhan ni Wilbert Tolentino. Grabe ang suportang ibinibigay at ipinakikita nito sa kanya.

Sa pagsali ni Hipon sa nagdaang Bnibining Pilipinas 2022 ay todo-talaga ang suporta ni Sir Wilbert kay Hipon.  Ginastusan niya ang dalaga mula sa training, at sa ginamit na national costume at gown. Sobrang mahal ng mga ‘yun, huh! 

Balewala lang naman kay Wilbert kung ginastusan niya nang malaki si Hipon. Gusto niya lang talaga na manalo ito. At ayun nga, hindi man nakapag-uwi ng korona, at least humakot naman ng special awards si Hipon, at hinirang na first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022.

At ang pinaka-bongga sa lahat, binigyan ni Wilbert ng house and lot si Hipon.  Kaya naman sobrang pasasalamat ng komedyana sa kanyang mabait at generous na manager.

Sa bago niyang vlog sa YouTube na may titulong Bagong House and Lot ni Herlene Budol, paulit-ulit niyang pinasalamatan si Wilbert.

Sobrang generous niyang tao, ang unang nag-motivate sa akin (na sumali sa Binibining Pilipinas), ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, eh, para naman sa iyo ito, eh.’

“Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo iyan, ano ka ba?’” 

At nang alukin nga siya ng manager na sumali sa Binibining Pilipinas kapalit ang isang bonggang bahay ay pumayag na siya.

Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko,” sabi pa ni Hipon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …