IPINAUBAYA na ni P/BGen. Matthew Baccay ang kanyang puwesto kay P/BGen. Cesar Pasiwen nitong Martes, 16 Agosto.
Idinaos ang seremonya ng Change of Command sa PRO3 Patrol Hall, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, kasama si Area Police Command-North Luzon Commander P/MGen. Felipe Natividad bilang presiding officer.
Sinalubong ng Arrival Honors ang bagong Regional Director na dati ding naitalaga sa PRO3 bilang Hepe ng Regional Intelligence Unit 3.
Si P/BGen. Pasiwen ay miyembro ng PNPA Sandigan Class ‘94 at naging Executive Officer ng APC-North Luzon bago pinalitan si P/BGen. Baccay.
Samantala, si PBGen. Baccay ay itinalaga sa Directorate ng Personnel and Records Management sa Camp Crame, Quezon City.
“I am elated to work with you, we shall align with the programs thrust of our Chief PNP’s M+K+K=K (Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran),” mensahe ni P/BGen. Pasiwen.
Karagdagan niyang isinaad na sa kabila ng pagbabago ng panahon, isang bagay lang ang hindi mababago at ito ay ang ‘Patrolling.’
Kailang umano ang Patrolling at magsususog din siya na ang mobile forces na magsagawa ng foot, mobile at motorcycle patrol para sa maximum na presensiya ng pulisya. (MICKA BAUTISTA)