Friday , November 15 2024
Princess Marie Dumantay

Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama

KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng  Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto.

Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie Dumantay, 15 anyos, estudyante, iniulat na nawawala noon pang 9 Agosto 2022.

Natagpuan si Princess Marie, wala nang buhay at nakadapa sa lugar, may palatandaan ng mga paso ng sigarilyo sa katawan, nakasuot ng puting kamisetang may Chinese characters, itim na shorts, puting medyas, at pares ng itim na rubber shoes.

Ayon sa mga awtoridad, ang ama ng biktima ay pumirma ng pahintulot upang magsagawa ng awtopsiya sa bangkay ng kanyang anak kasunod ang desisyon ng pamilya na iuwi ang labi ni Princess sa kanilang tahanan sa Navotas.

Kasalukyang nagasasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …