Saturday , November 8 2025
SAME SEX UNION

Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 

AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para sa tinatawag na same sex union na walang ipinagkaiba sa unang panukalang same sex marriage.

Ayon kay Pimentel, hindi lingid sa kabatiran ng lahat na sa usaping ito ay papasok na ang usapin ng relihiyon at ng ating kasalukuyang batas kaya lubhang mahirap pag-usapan o pagtalunan.

Bukod dito, sinabi ni Pimentel, may mas higit pang dapat iprayoridad ang kongreso katulad ng pagtugon sa inflation, pagtugon sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pa.

Binigyang-linaw ni Pimentel, hindi masamang simulan ito ngunit dapat tanggapin ng lahat na hindi ito ang dapat na maging prayoridad.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Robinhood “Robin” Padilla, siya ang pangunahing nagsulong ng resolusyon sa senado na bukas siya sa anumang deliberasyon, pag-usapan at pagdebatehan.

Ani Padilla, handa niyang pakinggan ang bawat panig kabilang ang mga tumtutol at susmusuporta sa kanyang panukala.

Tiniyak ni Padilla, kanyang pakinggan ang lahat ng mga saloobin ng bawat panig sa kanyang panukalang batas.

Inaasahan ni Padilla, hindi madali ang talakayan ukol sa naturang isyu at naniniwala siyang bahagi ng tamang proseso ng isang demokrasya ang pakinggan ang bawat isa tutol man o hindi sa isang panukala.   (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …