Monday , November 18 2024
prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt operation sa sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales nitong Sabado, 13 Agosto.

Sa ulat na tinanggap ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagtulong-tulong ang mga elemento ng Masinloc MPS, PIU Zambales, 1st PMFC, 305th MC RMFB3, RID3 at PNP Maritime-Iba, na nagsagawa ng manhunt operation sa Brgy. Inhobol, sa naturang bayan.

Hindi nagawang manlaban nang tuluyang makorner ng mga awtoridad ang akusadong kinilalang si Inocencio Acosta, 64 anyos, nakatala bilang isa sa most wanted persons sa Masinloc, at residente sa nabanggit na barangay.

Inaresto si Acosta sa bisa ng warrant of arrest para sa anim na bilang ng kasong Statutory Rape, nilagdaan ni Presiding Judge Maribel Mariano-Beltran ng Iba RTC Branch 13-FC at walang itinakdang piyansa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …