Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sextortion cyber

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den kung saan nadakip ang tatlo katao sa Brgy. Sta. Cruz V, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 13 Agosto.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS (WCPD & HRAO) katuwang ang mga Intel Operatives, CSWDO at Regional Anti Cybercrime Unit 3 ng operasyon kaugnay sa Online Sexual Exploitation on Children (OSEC) Anti-Trafficking in Person.

Ikinasa ng mga elemento ng San Jose Del Monte CPS ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyong ginagamit ang biktima sa cybersex den dakong 3:00 pm na nagresulta sa pagkakasagip sa isang 14-anyos dalagitang estudyante at pagkakadakip sa tatlong suspek.

Kinilala ang tatlong naarestong suspek na sina Ernesto Perualila, alyas Cano, tumatayong cybersex den operator; Jamar Gondran; at Raymart Buenavista, pawang mga residente sa parehong barangay.

Inihahanda na ang mga kasong Anti-Trafficking in Persons, Rape at Cybercrime alinsunod sa RA 7610 (Child Abuse Law) na nakatakdang isampa laban sa mga suspek.

Samantala, ang nasagip na biktima ay dadalhin sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa ano-genital examination. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …