Monday , December 23 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider, edad 13 hanggang 17 anyos na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang sila ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa mabuting pamamahala at pamumuno.

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang mga piling Boy/Girl officials sa panunumpa sa kanilang tungkulin bilang mga kabataang katumbas ng mga halal na opisyal at mga pinuno ng tanggapan sa pamahalaang panlalawigan sa isinagawang Pagsasalin ng Tungkulin sa mga Boy/Girl Officials 2022 kasabay ng Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos.

Sa pangunguna nina Boy Governor Jhon Ken Landayan ng Guiguinto Vocational High School, at Boy Vice Governor Mark Joshua Carreon ng San Roque National High School, dumalo ang 61 Boy/Girl Officials sa probinsiyal na antas sa isang buong araw na puno ng aktibidad kasama ang Tree Planting, Leadership Training, Disaster Preparedness, at Basic Survival Skills and Swimming sa Bulacan Sports Complex noong Martes.

Binisita rin nila ang ilang tanggapan sa pamahalaang panlalawigan para sa karagdagang kaalaman kabilang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Pasalubong Center at Hiyas ng Bulacan Museum at nagtanghalian pagkatapos kasama ang gobernador sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Capitol Compound noong Miyerkoles, 10 Agosto.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Boy Governor Landayan ang kapwa niya mga kabataang Bulakenyo na patunayan na ang mga kabataan ay may maiaambag rin para sa ikauunlad ng lipunan.

“Sa loob ng mahabang panahon, oras na para ipamalas pa ang ating kakayahan, patunayang wala namang kaibahan ang mga kabataan. Marami tayong kayang patunayan at marami tayong maiaambag sa ating lipunan. Kaya mga kapwa kong kabataan, patuloy nawa tayong manindigan. Sapagkat tayo ang liwanag sa kadiliman, babasagin natin ang ingay sa katahimikan at patuloy na panghahawakan ang iniwang gampanin sa ating lipunan batay sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal,” aniya.

Sinabi ni Fernando, bilang gobernador, nais niyang maging inspirasyon sa mga kabataang lider na ipagpatuloy ang kanilang mabuting hangarin at pinuri sila sa kanilang inisyatiba na maglingkod sa bayan.

Bilang pagtatapos, nagsagawa ng recognition program ang PYSPESO para sa Boy/Girl Officials sa Nicanor Abelardo Auditorium ngayong araw.

Alinsunod sa Republic Act No. 10742 o ang SK Reform Act of 2015 na nagsasaad ng obserbasyon ng “Linggo ng Kabataan” tuwing buwan ng Agosto, ang lalawigan ng Bulacan, kasama ang mga lungsod, munisipalidad at barangay nito ay nagsagawa ng “Boy/Girl Officials 2022” mula 8 hanggang 12 Agosto. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …