HINDI nakalusot sa mga awtoridad ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana sa nakalatag na checkpoint sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan gn Bulacan, nitong Miyerkoles, 10 Agosto.
Sa ulat mula kay P/Maj. Russel Dennis Reburiano, acting chief of police ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si John Kirby Roque ng Brgy. Tiaong Labas, Guiguinto, Bulacan.
Unang pinahinto ang suspek sa checkpoint operation na isinasagawa ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS dahil sa paglabag sa pagmamaneho ng walang protective helmet.
Nang beripikahin at pagpapakita ng mga dokumento, aksidenteng nahulog ang nakasipi na selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana.
Nakuha din mula sa kanyang pag-iingat ang iba pang pakete at isang nakaimpakeng tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may timbang na 55.80 gramo at nagkakahalaga ng P22,320.
Dinala ang suspek at kumpiskadong mga piraso ng ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa drug test at laboratory examinations. (MICKA BAUTISTA)