SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TULOY NA TULOY na sa pag-arangkada ng pinakabagong streaming platform na AQ Prime liglig, siksik, at umaapaw ang ihahandog na palabas sa mga manonood.
Sa pagbubukas, garantisadong sa halagang P100 ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang panonood ng mga pelikula, programa, at pagtatanghal. Napakasulit ng pa-promong ito na sadyang ginawa para sa ikaliligaya ng lahat.
At kung ligaya ang pag-uusapan, isa rin sa mga unang handog ng Original Movies ng AQ Prime ay ang Bingwit na pinagbibidahan nina Krista Miller, Conan King, at Drei Arias. Kuwento ito ng babaeng maharot na pinapak, ginamit, at biningwit ang dalawang nilalang dahil sa tawag ng laman.
Itinodo ni Krista ang paghuhubad sa pelikula na walang takot sa pagpupulandit ng mainit niyang nararamdaman na sinabayan naman nina Conan at Drei.
“Wala nang arte-arte. Makita na ang dapat makita. Walang limitasyon! Dito sa ‘Bingwit,’ game ako, game sa lahat,” sabi ng palabang sexy star.
Nagliliyab man ang pakikipaglampungan niya sa dalawang Adan na tiyak kababaliwan ng mga kalalakihan ay tiyak ding aabangan ang kakaibang kuwento ng pag-iibingan nina Drei at Conan sa pelikula. Para sa Ikatlong lahi, hindi lang matatakam kundi mabubusog pa sa mga maiinit nilang eksena. Saksi ang palaisdaan, lambat, at bodega sa paglalapat ng maiinit at nag-aapoy nilang damdamin at katawan.
Kung handa ka nang magpa-BINGWIT, i-download lang ang AQ Prime sa Apple at Google Play Store para mapanood ang pelikulang gawa ni Neal “Buboy” Tan na tampok din sina Rob Sy at Aldwin Alegre.