Monday , December 23 2024
Money Bagman

Instant milyonaryo
BULAKENYO TUMAMA SA LOTTO

NAGING instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Balagtas, Bulacan matapos mapanalunan ang jackpot sa 6/49 Super Lotto na binola nitong Martes ng gabi, 2 Agosto.

Ayon kay Melquiades Robles, general manager at Vice Chairman of the Board ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng ‘anonymous winner’ sa Balagtas, Bulacan ang winning numbers na 28-45-09-12-21-19, may kabuuang premyo na P15,840,000.

Binobola ang 6/49 Super Lotto tuwing gabi ng Martes, Huwebes, at Linggo.

Gayondin, nakakuha ang 29 mananaya ng lima sa mga winning numbers na nanalo ng P50,000 bawat isa.

Samantala, may paalala ang PCSO na ang premyo na sobra sa P10,000 ay papatawan ng 20 porsiyentong buwis sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law.

Ang hindi makukuhang premyo sa loob ng isang taon matapos ang draw ay ikokonsiderang forfeited batay sa Republic Act 1169, ayon sa PCSO.

Para makuha ang premyo, ang mga lehitimong nagwagi ay siguraduhing isulat ang pangalan at lagda sa likod ng nanalong ticket.

Ang napanalunang lotto jackpot prizes ay makukuha sa PCSO main office sa Conservatory Bldg., Shaw Blvd., Priceton St., sa lungsod ng Mandaluyong. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …