Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, kinaarestohan rin ng 14 personalidad sa droga hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 3 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasamsam ng mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 30 gramo at Dangerous Drug Board (DDB) value na P204,000.

Nakompiska ang hinihinalang ilegal na droga mula sa suspek na kinilalang si Ryan Lloyd Francisco alyas Waway, sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Tambubong, sa nabanggit na bayan dakong 8:00 pm noong Martes, 2 Agosto.

Pinaniniwalaang si alyas Waway ay matinik na tulak na palipat-lipat ng lugar kaya hindi masakote ngunit hindi siya tinantanan ng mga operatiba ng Bulacan PIU na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Gayondin, nadakip ang 14 personalidad sa droga sa iba’t ibang anti-illegal gambling operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat MPS, Marilao MPS, Meycauayan CPS, Obando MPS, Pandi MPS, Plaridel MPS, Sta. Maria MPS, at San Jsoe del Monte CPS.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang 28 pakete ng hinihinalang shabu, siyam na pakete ng tuyong dahon ng marijuana, mga cellphone, motorsiklo, drug paraphernalia, sling bag, cigarette paper, at marked money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …