Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal na droga matapos maaresto ang tatlong malalaking tulak sa lungsod ng Mabalacat, nitong Lunes, 1 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Alvin Consolacion, acting provincial director ng Pampanga PPO,  ang mga arestadong suspek na sina Visitacion Ornido, 47 anyos, ng Brgy. Pulung Maragul, Angeles City; Nympha Compahinay, 50 anyos, at Renato David, 58 anyos, kapwa ng Brgy.  Dau, Mabalacat City.

Nasukol ang tatlo sa Brgy. Dau sa ikinasang drug buy bust operation ng mga elemento ng Mabalacat CPS at RPDEU 3 na pinamunuan ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, acting chief of police.

Nakompiska mula sa mga suspek ang walong selyado at isang nakataling pakete ng plastik ng hinihinalang shabu, may timbang na 250 gramo at tinatayang nagkakahlaga ng P1,700,000; buy bust money; at iba pang piraso ng ebidensiya.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Mabalacat City Prosecutors Office. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …