Friday , November 15 2024
fire dead

Ginang sa Bulacan patay sa sunog

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang dahil sa mga pinsala sa kanyang katawan na sanhi ng pagkakaipit sa nasusunog niyang bahay sa bayan ng Calumpit, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 31 Hulyo.

Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Ligaya Regalado, 56 anyos, residente ng Purok Dos, Brgy. San Marcos, sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection BFP), hindi nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang biktima dahil sa mga window grill na nakakabit sa paligid nito.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Gary, maaga silang natulog na magkakapatid matapos magpa-booster shot nang biglang sumiklab ang apoy sa kanilang bahay.

Dahil dito, nagtakbuhan silang pamilya palabas ng bahay subalit nagulat na lamang sila na wala ang kanyang kapatid na si Ligaya.

Sinubukan pa nilang iligtas ang nakababatang kapatid subalit hindi na nila nagawa dahil sa sobrang lakas ng apoy.

Napag-alaman mula sa BFP na ancentral house ang nasunog na bahay at gawa sa mga light materials kaya agad na tinupok ng apoy.

Sinasabing may sumabog mula sa bahay bago sumiklab ang apoy kaya inaalam pa ng BFP kung ito ay tinamaan ng kidlat o dahil sa electrical overload. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …