Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jona

Sing Galing Jukeboss Jona nag-trending ang Media Tour

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAG-TRENDING sa Twitter ang Fearless Diva of the Philippines na si Jona, na ngayon ay kilala na rin bilang isa sa mga jukebosses ng OG videoke game show ng bansa, ang Sing Galing at Sing Galig Kids. Noong July 21 ay nagkaroon siya ng Jona Fearless Day na nagpa-interview sa iba’t ibang radio and TV programs at nagpasaya ng mga listener and viewers.

Sulit ang #JonaFearlessDay Media Tour dahil nagsimula ito ng 9:00 a.m. at nagpatuloy hanggang 7:00 p.m. Sinimulan ni Jona ang araw sa mga interview niya sa News FM Showbiz Chika Atbp. ng Radyo Singko Davao 101.9, iFM 103.9 Baguio, XFM Philippines (na nag-air simultaneously sa  100.7 XFM Davao Region, 97.9 XFM Davao City, 88.5 XFM Mati City, 98.1 XFM Bayugan City Agusan Del Sur, 96.7 XFM Bacolod City, at 100.7 XFM Iloilo City), MYXclusive, Frontline sa Umaga sa TV5, PEP Live, 91.9 Love Radio Bacolod, Yes the Best 101.1 kasama si DJ Lyka Barista, All Out with Rico at Kayla sa RX 93.1, Julius and Tintin Para Sa Pamilyang Pilipino sa One PH, at Q Radio 105.1 Q PM Crew kasama sina Cholo Dela Cruz, at Joelle Yuvienco.

Ipinakilala si Jona bilang pinakabagong  jukeboss sa Sing Galing Year 2 noong idinaos ang grand finals ng show noong Marso 2022. Bukod sa pagiging jukeboss sa regular edition ng Sing Galing, isa sa jukeboss din siya sa kiddie edition na Sing Galing Kids, na nagsimula nang umere sa TV5 tuwing Sabado ng gabi.

Hindi pumasok ‘yan sa mind ko before na someday I’ll be mentoring these kids. Pero along the way, I started dreaming to someday be able to give back to aspiring singers who are going through the same path na pinagdaanan ko rin before,” pahayag ni Jona.

Tutukan si Jona sa kanyang challenging role bilang jukeboss sa Sing Galing regular edition at Sing Galing Kids ng TV5

Makisaya at makitawa sa bawat funny at emotional episode highlights ng Sing Galing! I-follow ang @singgalingtayo sa Twitter, Instagram, Facebook at @SingGaling sa Youtube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …