Friday , November 15 2024

Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan

UPANG higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’.

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office, may kabuuang 1,275 MLs at 169 LLNs mula sa Unang Distrito at 1,061 MLs at 170 LLNs mula sa Ikatlong Distrito ang tumanggap ng kanilang cash incentives noong Lunes, Hulyo 11 sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta. Isabel dito habang 868 MLs at 152 LLNs mula sa Ikalawang Distrito at 962 MLs at 145 LLNs mula sa Ikaapat na Distrito naman ang tumanggap noong Biyernes sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Samantala, sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na nakasandal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga ML at LLN sa pagtitiyak na matatanggap ng mga ordinaryong tao ang tulong ng pamahalaan at pati na rin ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mahahalagang anunsyo.

“Mahalaga ang gampanin ng ating mga Mother Leaders at Lingkod Lingap sa Nayon; sila ang kumakatawang ina sa ating mga komunidad na kumakalinga at nangangalaga sa ating mga kalalawigan, lalo na iyong mga nangangailangan. Sila ang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at umaasa kami sa inyong mabuting serbisyo upang lalong mapabuti ang ating lalawigan. Asahan ninyo na patuloy rin ang suporta sa inyo ng pamahalaan kapalit ng inyong walang katumbas na pagmamahal sa ating kapwa,” anang gobernador.

Regular na ibinibigay ang tulong pinansiyal para sa mga ML at LLN kada quarter.

Isinagawa ang quarterly meeting kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon kung saan tinalakay din ng PSWDO ang mga direktiba ng gobernador hinggil sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue at ang mga tulong na maibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ML at LLN. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …