Friday , November 15 2024
road accident

Ina, 2 anak patay sa salpukan ng tricycle at jeep

PATAY ang tatlong mag-iina sa naganap na salpukan ng tricycle at jeep sa San Miguel, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat mula sa San Miguel Municipal Police Station (MPS), napag-alamang naganap ang insidente sa Barangay Buliran sa bayan ng San Miguel pasado ala-1:00 ng hapon.

Ayon kay Jonathan Maniquis, asawa ng biktimang si Monica at ama ng dalawang nasawing bata, nasa trabaho siya nang malaman ang sinapit ng kanyang pamilya.

Unang nasawi ang dalawang bata at ang kanilang ina ay nadala pa sa ospital sa Cabanatuan City pero binawian na rin ito ng buhay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, papunta sana ang mga biktima sa health center para magpabakuna bilang paghahanda sa darating na pasukan.

Sa pahayag naman ng mga nakasaksi, binabagtas ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima ang kalsada sa Barangay Buliran nang biglang may mag-overtake na pickup vehicle kaya nahagip nito ang tricycle at napakabig hanggang bumangga naman sa kasalubong na delivery jeep.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng San Miguel MPS ang driver ng jeep na nakatakdang sampahan ng nararapat na kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …