Monday , December 23 2024
SethDrea Andrea Brillantes Seth Fedelin Dolly Dulu Lyric and Beat

SethDrea magpapatibok  ng mga puso; Direk Dolly nahirapan sa Lyric & Beat 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI madaling gumawa ng isang musical series kaya kahanga-hanga si Direk Dolly Dulu sa pagtanggap sa challenge na na ibinigay sa kanya ng Dreamscape para pamahalaan ang Lyric and Beat. Naging ‘katulong’si Direk Dolly ang magaling na kompositor na si Jonathan Manalo para mapaganda ang pinakabago at orihinal na musical drama series ng iWantTFC na tiyak magpapaawit at magpapaindak sa netizens simula Agosto 10.

Inamin ni Dolly sa grand media conference na nahirapan siyang gumawa ng isang musical series dahil kinailangang sumailalim ng cast sa song at dance rehearsals kasabay ng acting workshops. 

Pero nawala ang agam-agam at hirap dahil pawang magagaling ang mga artistang bida sa Lyric at Beat. “Nakaka-proud kasi it’s a musical series as in legit na musical series and hindi talaga nagpapahuli ang acting. Bawat episode may character na naha-highlight and bawat isa sa kanila, hindi talaga nagpahuli,” aniya at binigyang diin na hindi lamang tungkol kay Lyric at Beat ang serye dahil iba’t ibang karakter ang bibigyang atensiyon sa bawat episode.  

Magtatambal muli sa Lyric and Beat sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Sasamahan ang SethDrea ng all-around performers na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, Jeremy G, Angela Ken, at Awra Briguela.

Bukod sa pagpapakilig ng SethDrea, makikita rin sa serye ang mga nakabibilib na pagtatanghal ng cast tampok ang musika ni Jonathan. 

Bibigyan ng panibagong atake ang mga awitin ni Jonathan tulad ng Tara Tena, Kabataang Pinoy, Pangarap Kong Pangarap Mo,  atbp.

“Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ito kasi sobrang quality talaga ng output. Katulad nga nang sinabi ni Direk Dolly, nakaka-proud na lahat ng elements perfectly woven together, na nabuo ito with this powerhouse cast na napakahusay,” ani Jonathan sa grand media conference.  

Ang Lyric and Beat ay isinulat at idinirehe ni Dolly na siyang likod ng The Boy Foretold by the Stars at Love Beneath the Stars. Ang Lyric and Beat ay naimpluwensyahan ng karanasan niya sa theater at ng mga napanood na film musicals tulad ng High School Musical at Camp Rock.  

Magsisimula ang serye sa kuwento ni Lyric (Andrea), isang dalagang gustong maging isang sikat na mang-aawit tulad ng kanyang yumaong ina. 

Matapos makapasok si Lyric bilang isang iskolar sa prestihiyosong Philippine National Conservatory of Music (PNCM), na hinahasa ang mga pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa,  kailangan niyang maging bahagi ng isang show choir at manalo sa paparating na pambansang kompetisyon. Ito ang kasunduan nila ng kanyang ama na si Jeff (Lito Pimentel) na hindi pabor sa ambisyon ni Lyric na maging singer dahil unstable ang karerang ito.

Sa PNCM, makikilala ni Lyric ang iba’t ibang mga estudyante. Nariyan si Beat (Seth), isang introverted freshie, ngunit dahil sa impluwensya ni Lyric, na kanya ring pasikretong hinahangaan, ay nalampasan niya ang kanyang stage fright.  

Makikilala rin ni Lyric si Jazz (Darren), isa sa pinakamagaling na mang-aawit sa PNCM at ang pinuno ng Prime Belters choir at si Cadence (AC), ang matalik na kaibigan ni Jazz na gustong pasiglahin ang show choir sa pamamamagitan ng pagsasayaw.  

Magkukrus din ang mga landas ni Lyric at ng iba pang mga karakter tulad nina Grae (Kyle), ang pinuno ng School for Modern Pop, ang karibal na paaralan ng PNCM; Melissa (Sheena), ang kapatid ni Jazz na isa ring magaling na mang-aawit pero tinaguriang resident mean girl sa paaralan; Stevie (Jeremy), isang mang-aawit na nagkakaroon lang ng kumpiyansa kapag kumakanta; Virlyn (Angela), isang mahusay na performer na marunong tumugtog ng kahit anong instrumento; at Unique (Awra), isang performer na tinanggihan ng Prime Belters dahil sa kanyang gender identity. 

Kilalanin sina Lyric, Beat, Jazz, Cadence, Grae, Melissa, Stevie, Virlyn, Unique at tunghayan ang kanilang kuwento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng libreng pag-stream ng Lyric and Beat  sa iWanTFC app (iOS and Android) at website (iwanttfc.com) sa Pilipinas at Indonesia. Mapapanood din ito ng mga premium user sa iba’t ibang parte ng mundo simula Agosto 10. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …