Friday , November 15 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Gob. Fernando nanawagan
BULAKENYO MAGPA-COVID-19 BOOSTER SHOT

Nanawagan si Gobernador Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna booster shot bilang karagdagang laban sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso.

“Bagaman hindi pa gaanong kalala ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lalawigan kumpara sa mga karatig nating lugar, nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag nang hintayin ang paglala ng sitwasyon ng COVID bago tayo umaksyon. Bukas po ang ating mga vaccination sites upang makapagpa-booster tayo, at bigyan ang ating mga sarili ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19,” anang gobernador.

Sa ulat ni Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka B. Celis kamakalawa sa ginanap na online na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, sinabi niya na nakapagbakuna na ang Pamahalaang Panlalawigan ng kabuuang 5,756,301 bakuna kontra COVID at 647,334 lamang dito ang booster shots.

Binanggit din niya na 2,490,490 o 82.63% ng eligible na populasyon ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ibinahagi din ni Celis na kasalukuyang ipinatutupad ng Bulacan Medical Center ang Appointment System upang maiwasan ang pagdagsa ng pasyente sa Out-Patient Department at mailayo sila sa posibilidad ng pagkalat ng virus.

Maaaring tumawag ang mga Bulakenyo sa BMC Hotline sa (044) 482-4207 o magpa-rehistro sa OPD Online Appointment sa www.facebook.com/BMCOPDKonsulta upang makapag-iskedyul ng pagbisita sa ospital mula Lunes hanggang Sabado.

Dagdag ni Celis, tatanggapin ang mga emergency na kaso sa ospital, 24 oras sa isang araw.

Nakapagtala ng 660 bilang ng aktibong kaso sa Bulacan noong Hulyo 18 habang sa kabuuan, nagkaroon ang lalawigan ng 110,617 beripikadong kaso ng COVID-19, 108,225 na paggaling, at 1,732 na pagkamatay.  (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …