Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban Angela Morena Kat Dovey Wilbert Ross Migs Almendras

High On Sex finale inaabangan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BENTANG-BENTA sa netizens ang High On Sex na kasalukuyang napapanood na sa Vivamax kaya naman inaabangan nila ang finale episode ng sex-comedy series na pinagbibidahan ni Wilbert Ross.

Marami ang sumubaybaybay sa seryeng ito na  ang kuwento ay tungkol sa limang high school students sa isang Catholic school at ang mga nakaloloka at nakatutuwa nilang sexual escapades.

Bukod sa dating miyembro ng Hashtag na si Forget Wilbert klik sa mga sumusubaybay dito ang iba pang bida na sina Denise Esteban, Angela Morena, Kat Dovey, at Migs Almendras.

Ayon kay Denise, ibang-iba ang High on Sex sa lahat ng sexy movies na ginawa niya. 

The ones I did before are serious dramas so this is a welcome break as it is a comedy.

“Very encouraging nga ang comments na natatanggap namin as viewers say they’re really laughing a lot and having fun while watching our show.

“Marami pa kayong dapat na abangan sa last few episodes, lalo na kung ano ang mangyayari sa love story namin ni Wilbert as Gibo. Don’t miss the last episodes kasi you’ll get to know the characters even better,” pahayag ni Denise.

The show doesn’t just offer many sexy scenes but also insights about love and life and being young, so don’t miss the wonderful finale.

“I think it’s in this show ko nakita na may improvement naman ako sa acting compared to when I just started in ‘Doblado’, but I still have to do better with my Tagalog kasi mas at home pa rin ako in English,” giit pa ni Denise.

Sinabi pa ni Denise na nag-enjoy siya habang ginagawa nila ang High on Sex. “I really enjoyed the shoot kahit nakakapagod kasi we shoot so many sequences in one day, but masaya ang naging bonding naming lahat, kasi i even celebrated my birthday on the set.

“It’s in this show that I think my acting has improved since I started in ‘Kaliwaan’.

“Marami akong natutuhan sa mga pinagdaanan kong ibang projects and I think nagawa ko ang best ko rito sa ‘High on Sex’ in my role as Issa na may gusto ko kay Gibo but he’s taking me for granted,” sambit pa niya.

Sinabi naman ni Kat bago pa sila sumalang sa shooting, nagkaroon muna sila ng workshops para mas maintindihan nila ang mga role na gagampanan nila. “The workshops helped for us to get to know each other better so when we got to the actual set, wala na kaming ilangan and we just had fun.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …